"Mapapahigpit ang kooperasyon ng Amerika, Timog Korea at Hapon bilang tugon sa posibleng bantang nuclear mula sa Hilagang Korea." Ito ang ipinahayag nitong Huwebes, Marso 31, 2016 ni Pangulo Barack Obama sa pakikipag-usap kina Pangulo Park Guen-hye ng Timog Korea at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Ang 3 lider ay nag-usap sa sidelines ng Nuclear Security Summit sa Washington.
Ipinahayag ng tatlong panig na dapat maging alerto ang komunidad ng daigdig sa planong nuclear ng Hilagang Korea, at dapat ipatupad ang Resolusyon bilang 2270 na pinagtibay ng UN Security Council, noong Marso 2, 2016 bilang tugon sa naturang plano ng Hilagang Korea. Binigyang diin naman ng United Nations ang suporta sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks at paglutas sa isyung nuclear sa Peninsula ng Korea, sa pamamagitan ng mapayapang paraan.