|
||||||||
|
||
Batay sa kasunduan na narating ng Turkey at Unyong Europeo (EU) nitong nagdaang Marso, ang unang batch ng humigit-kumulang 200 refugee na ipinadala ng Gresya ay dumating nitong Lunes, Abril 4, 2016 ng Dikili, lunsod sa baybaying-dagat sa dakong kanluran ng Turkey. Karamihan sa nasabing mga refugee ay taga-Pakistan.
Noong ika-18 ng Marso, napagkasunduan ng Turkey at EU na simula Marso 20, ang lahat ng mga refugee na pumasok sa Gresya sa pamamagitan ng Turkey ay kailangang magparehistro at magsumite ng aplikasyon para sa asylum, kung hindi, ibabalik ang mga ito sa Turkey. Samantala, kapag ibinalik ang isang nasabing ilegal na refugee, ang EU ay kailangang tumanggap ng isang Syrian refugee mula sa Turkey.
Ang Turkish Red Crescent ay nagkaloob ng pagkain at ibang humanitarian supplies para sa nasabing mga refugee. Ayon sa mga opisyal ng Turkey, pagkaraan ng health check, ipapadala ang mga ito sa pansamantalang refugee center sa Kirklareli, probinsya sa hilagang-kanluran ng bansa.
Sa kasalukuyan, mahigit tatlong milyong refugee ang nananatili sa Turkey at karamihan sa mga ito ay Syrian.
Isang refugee habang sinasamahan ng isang pulis pagkaraang dumating ng Dikili, Turkey, April 4, 2016. (Xinhua/He Canling)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |