|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wang na naniniwala ang panig Tsino na mamumuno ang bagong pamahalaan ng Myanmar sa iba't ibang paksyon at lahat ng mga mamamayan ng bansang ito para magkasamang makalikha ng mas magandang kinabukasan.
Inilahad ni Wang ang patakarang Tsino sa Myanmar. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalalimin ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan at maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu.
Nakahanda rin ang Tsina na patuloy na gumanap ng positibong papel sa pagpapasulong ng proseso ng pambansang rekonsilyasyon ng Myanmar batay sa aktuwal na kahilingan at hangarin ng bansang ito.
Sinabi ni Aung San Su Kyi na hindi nalilimutan ng Myanmar ang mga pagkatig at pagtulong ng Tsina noong dati. Dagdag pa niya, mahalaga ang mga pagtulong at pagkatig ng Tsina sa pambansang rekonsilyasyon at pag-unlad ng kanyang bansa.
Nakahanda aniya siyang magkasamang magsikap, kasama ng Tsina, para pahigpitin ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa mataas na antas, at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, para pataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Kaugnay ng mga malaking proyekto ng kooperasyon ng Tsina at Myanamr, sinabi ni Wang na malakas ang pagkokomplemento ng dalawang bansa sa kabuhayan at malaki rin ang nakatagong lakas ng kooperasyong ng dalawang panig na may mutuwal na kapakinabangan.
Nakahanda aniyang tulungan ng Tsina ang mga konstruksyon ng Myanmar na gaya ng imprastruktura, pagsasaindustriya, agrikultura, at hydropower.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |