Ipinahayag ngayong araw, March 31, 2016, ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagbati sa pagkakatatag ng bagong pamahalaan ng Myanmar noong March 30.
Sinabi ni Hong na naniniwala ang panig Tsino na matatamo ng mga mamamayan ng Myanmar ang mas malaking progreso sa pambansang konstruksyon at pag-unlad.
Aniya pa, nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng Myanmar, ang mga kooperasyon para ibayo pang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.