|
||||||||
|
||
Seremonya ng pagpapalit ng pamahalaan ng Myanmar
Miyerkules, ika-30 ng Marso 2016, nanumpa sa tungkulin bilang pangulo ng Myanmar si Htin Kyaw ng National League for Democracy (NLD). Pormal na sisimulan sa Biyernes, Abril 1, ang administrasyon ng bagong pamahalaan na pinamumunuan ng NLD.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon, malinaw na ipinahayag ni Htin Kyaw na magpupunyagi ang kanyang pamahalaan para sa 4 na target: pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyon, pagsasakatuparan ng kapayapaan sa loob ng bansa, pagpapasulong sa pagtatakda ng isang konstitusyon na magpapakita ng democratic federal system, at pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon sa Xinhua, opisyal na ahensiya ng pagbabalita ng Tsina, may sumusunod na mga katangian ang bagong pamahalaan ng Myanmar.
Una, ang bagong pamahalaang pinamumunuan ng NLD ay isang nagkakaisang pambansang pamahalaan. Nakapokus ang NLD sa pambansang rekonsilyasyon. Kabilang sa 4 na ispiker at pangalawang ispiker ng mataas at mababang kapulungan, 3 ang galing sa etnikong grupo. Kabilang sa 3 pangulo at pangalawang pangulo naman, ininominate ng NLD ang isang kinatawan ng etnikong grupo bilang pangalawang pangulo. Itinayo rin nito ang Ministri ng mga Etnikong Suliranin, para mapalakas ang mga gawain para sa mga katutubo.
Ika-2, nagpapakita ang pamahalaan ng NLD ng pagbibigayang pulitikal at mithiin ng rekonsilyasyon. Kabilang sa 18 ministro ng bagong pamahalaan, bukod sa 3 personaheng militar alinsunod sa saligang batas, ibinigay ng NLD ang 2 puwesto sa Union Solidrity and Development Party (USDP), dating naghaharing partido. Inanyayahan din nito ang 7 nagsasariling personahe para manungkulan bilang ministro. 6 na ministro lang ang galing sa NLD.
Ika-3, binawasan nang malaki ng NLD ang mga tanggapan ng pamahalaan. Itinayo ng pamahalaan ni Thein Sein ang 36 na departamento, at binawasan ito sa 21 ng NLD. Ang nasabing pagbabawas ay tinayang makakatipid ng 5 bilyong Myanmar Kyat (halos 4.2 milyong dolyares) para sa bagong pamahalaan. Samantala, upang mapatatag ang hanay ng mga kawaning pampubliko, nangako ang NLD na babawasan ang bilang ng mga departamento lamang, sa halip ng mga tauhan.
At ika-4, kahit may malakas na batayan ng mithiin ng mga mamamayan, ang tatlong mahahalagang departamento ng bagong pamahalaan na kinabibilangan ng Ministri ng Tanggulan, Ministri ng mga Suliraning Panloob, at Ministri ng mga Suliranin ng Hanggahan ay kinokontrol pa rin ng panig militar. Kung maayos na hahawakan ng NLD ang relasyon, at kokontrulin ang pagkakaiba, saka lamang maiiwasan nito ang pagkakalayo ng mga suliranin sa nasabing mga masusing larangan sa pamahalaang pinamumunuan ng pangulo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |