Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 6, 2016 sa dumadalaw na Thai Crown Princess na si Maha Chakri Sirindhorn, ipinahayag ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na bilang matalik na kaibigan ng mga mamamayang Tsino, nagbibigay-suporta ang Thai Princess sa pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, na gaya ng kultura, edukasyon, siyensiya, teknolohiya, agrikultura, at iba pa. Nananalig aniya siyang magiging mas mabunga ang komprehensibong estratehikong partnership at tradisyonal na mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Thailand.
Ipinahayag naman ni Maha Chakri Sirindhorn na gagawin niya ang lahat ng makakaya para ibayo pang mapalakas ang pagkakaibigan ng Tsina at Thailand, at mapasulong ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.