Isinapubliko kamakailan ng Thailand Kaitai Research Center, isang think tank ng bansang ito, ang ulat ng pananaliksik na pinamagatang "Dalawang Sesyon ng NPC at CPPCC ng Tsina: Pokus ang Pagsasaayos ng Estrukturang Pangkabuhayan." Sinabi ng ulat na itinakda ng Tsina ang pinakamababang target ng paglaki ng kabuhayan na 6.5% sa taong 2016. Ito anito ay nagpapakitang may kompiyansa ang Pamahalaang Tsino sa pagpapanatili ng pambansang kabuhayan sa kasalukuyang taon. Samantala, natuklasan anito ng Pamahalaang Tsino ang mabisang plano para mapasigla ang puwersa sa pag-unlad ng kabuhayan.
Ipinagdiinan din ng ulat na upang makinabang ang Thailand sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, dapat nitong gawin ang short-term at long-term plan, ayon sa patakaran at kalagayang pangkabuhayan ng Tsina.
Salin: Li Feng