Ayon sa China News Service, nagpunta sa Guanghua School sa probinsyang Rayong, Thailand, Pebrero 20, 2016, ang ika-21 Chinese naval escort fleet para kumustahin ang mga guro at estudyante roon. Nagkaroon din sila ng aktibidad ng pagpapalitang pangkultura.
Itinanghal ng mga opisyal at sundalo ng Chinese Navy ang ilang programang kultural ng Tsina para sa mga kalahok na kinatawan ng mga overseas at ethnic Chinese, guro at estudyante. Ipinalabas naman ng mga guro at estudyante ang mga programa sa wikang Tsino na nagpapakita ng paghahalo ng kulturang Tsino at Thai.
Ipinahayag ni He Qingfeng, Commissar ng nasabing escort fleet, na ang pagbisita nila sa Thailand ay naglalayong pasulungin ang relasyong Sino-Thai, at palalimin ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng