|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon, April 9, 2016, sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Philip Hammond ng Britanya.
Sinabi ni Wang na umaasa siyang pananatilihin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas at palalalimin ang pagtitiwalaan at pagkakaunawaan para ibayo pang pasulungin ang "Golden Era" ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Hammond na nakahanda ang kanyang bansa na aktuwal na isakatuparan, kasama ng panig Tsino, ang mga narating na komong palagay para pahigpitin ang kanilang mga kooperasyon at pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig.
Inilahad ni Wang ang mga paninindigang Tsino sa suliranin ng Hong Kong at isyu ng South China Sea. Sinabi ni Wang na ang mga suliranin ng Hong Kong ay nabibilang sa mga suliraning panloob ng Tsina at hinahangaan ng panig Tsino ang di-pagsuporta ng Britanya sa pagsasarili ng Hong Kong.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Wang na umaasa siyang gagamitin ng Britanya ang obdyektibo at walang pinapanigang paninindigan sa isyung ito.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa isyung nuklear sa Korean Peninsula at prosesong pangkapayapaan sa Syria.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |