|
||||||||
|
||
Ang mga kilos at damit ni Peng ay naging isang uso sa Tsina at madalas na bansagang "Liyuan Style." Ang "Liyuan style" ay nagiging synonym ngayon ng elegance at grace.
Isang halimbawa nito ang mga kilos at damit ni Peng sa ika-2 araw ng kanilang pagdalaw. Tatlong uri ng damit ang isinuot niya, at ang kulay ng mga ito ay puti, abuhin at asul. Ang mga ito ay nakasunod sa "Liyuan style," at nagpapakita ng design ng elementong Tsino.
Noong ika-20 ng buwang ito, pagkaraang dumating sa Britanya, inanyayahan ang mag-asawa ni Queen Elizabeth II upang tingnan ang eksbisyong pansining sa gallery ng Buckingham Palace. Isinuot ni Peng ang puting damit, kasama ng puting clutch, itim na high heels, hikaw at brooch na gawa sa pearl. Makikita ang elementong Tsino sa burda sa coat pocket ni First Lady Peng.
Pagkatapos nito, dumating Sina Xi at Peng sa Houses of Parliament ng Britanya, kung saan nagtalumpati si Xi. Ito ay di-regular na lugar para sa talumpati, pero, binuksan lamang para sa napakahalagang pangyayari. Doon, isinuot ni Peng Liyuan ang dark grey coat with flowing light grey leaves at the trims, at ang isang translucent grey scarf na gawa ng silk ay naging highlight ng buong dress. At upang bumagay, nagsuot din siya ng dark brown clutch at high heels.
Sa gabi, dumalo ang First Couple ng Tsina sa state banquet na idinaos nina Elizabeth II at kanyang asawa ng si Prince Philip. Dito isinuot ni Pen gang asul na floor length dress na may high collar sa estilong Tsino, kasama ng puting waistband, perlas na hikaw at puting clutch. At upang bumagay ang suot ng mag-asawa, isinuot ni Xi ang asul na handkerchief sa breast pocket, parehong kulay sa damit ni Peng. Ang puti at asul daw ay paboritong kulay nina Xi at Peng.
Narito ang mga komento ng netizen ng Britanya:
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |