PATI POLITIKO SUMAKAY KAY PACQUIAO. Makikita sa larawang ito ang mga mahihilig sa boxing kahit sa init ng araw. Kita ang mga tagahanga ni Manny Pacquiao na nanonood ng palabas sa telebisyon sa kagandahang-loob ng mga politiko sa Quezon City. Matapos ang ilang oras na paghihintay, nagbunyi na sila sa pagwawagi ng kampong Filipino. (Melo M. Acuna)
MASAYA ang karamihan ng mga Filipino sa pagwawagi ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Estados Unidos. Nagwagi sa pamamagitan ng unanimous decision si Manny "Pacman" Pacquiao sa score na 116-100 kahapon (oras sa Pilipinas) samantalang Sabado ng gabi sa Estados Unidos.
Ito ang ikatlong pagsasagupa nina Pacquiao at Bradley na nagtapos sa score na dalawang pagwawagi ng Filipinong boksingero laban sa Americano.
Nagsabi na si Manny Pacquiao na magreretiro na sa pagiging professional boxer. Naging mabilis si Manny kaysa kanyang kalaban. May nagsasabing nararapat nang limutin ni Pacquiao ang professional boxing sapakat matanda na siya.