Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manny Pacquiao, dadalaw kay Mary Jane Veloso sa piitan

(GMT+08:00) 2015-07-08 18:11:40       CRI

NAKATAKDANG dumalaw si Saranggani Congressman at boxing champion Manny Pacquiao kay Mary Jane Veloso sa darating na Biyernes. Ito ang nabatid mula sa isang media source ng Inquirer.net.

Pinoproseso pa ng Attorney General's Office ng Indonesia ang kahilingan ni Manny Pacquiao na dumalaw sa piitan sa Yogyajarta na kinaroroonan ni Mary Jane Veloso.

Lumabas sa kanyang Instagram ang kanyang larawan at kanyang maybahay na si Jinkee kahapon at nagsabing patungo sila sa Indonesia. Matagal na umanong inaantabayanan ng mga Indones ang pagdalaw ni Manny Pacquiao matapos lumabas ang balitang maninirahan siya ng tatlong araw upang maging endorser ng isang uri ng Indonesian traditional medicine.

Sa isang panayam kamakailan, pagtatangkaan umano ni Pacquiao na makausap si Pangulong Jokowi Widodo hinggil kay Mary Jane Veloso. Nabigyan ng reprieve si Veloso matapos lumutang ang sinasabing recruiter na si Maria Kristine Sergio.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>