Ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Abril 2016, sa Beijing ni Zhao Chenxin, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na noong unang kuwarter ng taong ito, maganda ang mga pangunahing economic indicator ng Tsina na kinabibilangan ng total electricity consumption, fixed-asset investment, consumer price index, purchasing managers' index, fiscal revenue, tubo ng mga bahay-kalakal, at iba pa.
Ani Zhao, ito ay positibong pagbabago sa kabuhayang Tsino, na nagpapakita ng magandang simula ng kabuhayan sa taong ito, at nagpapasulong sa matatag na takbo ng kabuhayan sa hinaharap.
Binanggit din ni Zhao na pinataas kamakailan ng International Monetary Fund ang pagtaya sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong 2016 sa 6.5% mula noong 6.3%. Ito aniya ay nagpapakita ng kompiyansa ng IMF sa kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai