|
||||||||
|
||
Sa Government Working Report na ginawa noong Marso 5, 2016, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, tinukoy nito na noong isang taon, natamo ng Tsina ang malaking tagumpay sa ilalim ng napakasalimuot na kalagayang pandaigdig. Sa situwasyon ng di-mabuting kalagayang pandaigdig, paglitaw ng inplasyon sa mga maunlad na bansa, at pagsama ng pamilihang panlabas ng Tsina, natamo pa rin ng kabuhayang Tsino ang 6.9% na inaasahang matatag na paglaki. Ngunit, isinusulong ng ilang dayuhang opinyong publiko ang opinyong sumasama ang kabuhayang Tsino, at sinabing magkakaroon ng "hard landing" ang kabuhayang Tsino.
Sa naturang Government Working Report, ginawa nito ang malinaw na paliwanag tungkol sa tagumpay, problema, at prospek ng kabuhayang Tsino. Ito ay may napakahalagang katuturan para tumpak na alamin ng Tsina at dayuhang bansa ang pangkalahatang kalagayan ng kabuhayan ng bansa, at hawakan ang pagkakataon mula sa pag-unlad ng bansa.
Obdiyektibong Pakitunguhan ang Kabuhayang Tsino
Nasa unang puwesto ang bolyum ng paglaki ng kabuhayang Tsino. Ang Tsina ay nananatili pa ring pinakamalaking "puwersang tagapagpasulong" sa buong daigdig.
Sa kasalukuyan, tatlong pinakamalaking ekonomya sa daigdig ay mayroong mahigit 10 trilyong dolyares na Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP). Mga 17.5 trilyong dolyares ang Amerika, 15 trilyong dolyares ang Euro Zone, at halos 10.8 trilyong dolyares naman ang Tsina. Lumaki ng 700 bilyong dolyares ang GDP ng Tsina bawat taon na naging 6.9% ang bahagdan ng taunang paglaki ng GDP ng Tsina. 350 bilyong dolyares ang bolyum ng paglaki ng GDP ng Amerika na 2.3% ang bahagdan ng paglaki. 150 bilyong dolyares naman ang bolyum ng paglaki ng GDP ng Euro Zone na naging halos 1% ang bahagdan ng paglaki ng GDP nito. Kaya, kung pag-uusapan ang ibinigay na ambag para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, doble ang ambag na ibinigay ng Tsina kumpara sa Amerika, at 4.5 ulit namang ambag ng Tsina kumpara sa Euro Zone.
Kung mas malalimang aalamin, nakikitang mayroong isang parepareho ng walang bagong direksyon ang pag-unlad ng mga maunlad na ekonomiya na gaya ng Amerika, Euro Zone, at Hapon. Labis na malaki ang kanilang industriyang komersyal, at labis ding mabigat ang kanilang pasanin ng utang. Walang ganitong problema ang Tsina. Bumaba sa pinakamababang lebel ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig noong 2015 kumpara sa anim na taong nakalipas. Mas mababa ang bahagdan ng paglaki ng kalakalang pandaigdig, at napakalaking bumaba ang presyo ng commodity price, sumama ang pandaigdigang pamilihang pinansiyal. Ang mga ito ay nagdudulot ng direktang impact at epekto sa kabuhayang Tsino. Ngunit sa ilalim ng naturang mga problema, natamo pa rin ng kabuhayang Tsino ang malaking tagumpay. Nakikinabang din ang mga bagong-sibol na ekonomiya sa pag-unlad ng Tsina para sa kanilang sariling pag-unlad.
Problema sa Kabuhayang Tsino
Umiiral ang mga problema sa lahat ng ekonomiya. May sariling problema pa rin ang kabuhayang Tsino. Kabilang sa mga problema ay dalawang pinakamalaking problema na pag-unlad at reporma.
Tungkol sa isyu ng pag-unlad, tapos na ang espasyo ng dating estrukturang industriyal ng bansa, at kinakailangan ang bagong espasyo ng industriya para ipagpatuloy ang pag-unlad. Tungkol naman sa isyu ng reporma, mula pamahalaan hanggang sa mga bahay-kalakal na ari ng estado, mula sistemang industriyal hanggang sa sistemang pinansiyal, pawa nilang kinakailangan ang reporma. Kaya, mabigat ang tungkulin ng Tsina sa pagsasagawa ng reporma.
Kaugnay ng Prospek ng Kabuhayang Tsino
Upang malutas ang naturang problema sa kabuhayang Tsino, nakikita sa Government Working Report ang isang mahalagang bahagi ng "Reform of the Supply Side," ibig sabihin,。dapat pataasin ang kalidad ng pagsuplay para mapasulong ang pagsasaayos ng estruktura sa pamamagitan ng reporma. Bunga nito'y mapapalawak ang mabisang pagsuplay at mapapataas ang kaangkupan at pleksibilidad ng estruktura ng pagsuplay sa pagtugon sa pangangailangan. Ito ay naglalayong mas mainam na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at mapasulong ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Nakikita rin sa Government Working Report ang determinasyon at mga konkretong hakbang ng pamahalaan sa pagsasagawa ng reporma.
Bukod dito, upang maigarantiya ang maalwang pagsasagawa ng "Reform of the Supply Side," sisimulan ng Pamahalaang Tsino ang reporma sa aspekto ng sistema.
Sa aspekto ng inobasyon, may dalawang malaking bentahe ang Tsina.
Una, sa prospek ng industriya, ang Tsina ay pinakamalaking manufacturing country sa daigdig. Nangangahulugan itong may pinakamabuting kondisyon sa inobasyon ang Tsina.
Ikalawa, malaki ang espasyo sa reporma ng sistema ng bansa. 30 taon lamang na isinasagawa ng Tsina ang market economy, malaki ang pasanin mula sa kasaysayan. Ito rin ang palatandaang malaki ang espasyo ng benepisyo mula sa reporma. Walang ganitong espasyo sa Amerika, Euro Zone, at Hapon. Ang komong palagay ng kanilang lipunan ay pananatilihin ang kasalukuyang kalagayan at huwag isagawa ang pagbabago.
Kinakaharap ng kabuhayang Tsino ang hamon at pagkakataon. Para sa mga mamamayang may intensyong isagawa ang negosyo, ito ay nangangahulugan ng mas malaking pagkakataon. Ang mas bukas na Tsina ay makakapagbigay ng mas maraming pagkakataong internasyonal para sa kanila.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |