Ayon sa Xinhua News Agency, isiniwalat ngayong araw, Enero 19, 2016, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina na ayon sa inisyal na datos, noong isang taon, umabot sa mahigit 67 trilyong Yuan, RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa. Ito ay mas malaki ng 6.9% kumpara sa taong 2014.
Sa isang preskon, sinabi ni Wang Bao'an, puno ng naturang kawanihan, na sa kabuuan, noong isang taon, nananatili pa ring nasa makatwirang lebel ang operasyon ng pambansang kabuhayan. Dagdag pa niya, ibayo pang bumuti ang estrukturang pangkabuhayan, ibayo pang bumilis ang pag-upgrade ng kabuhayan, at ibayo pang bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Li Feng