Isang design project ang itinaguyod kamakailan ng ilang estudyente sa Lalawigang Jiangxi ng Tsina. Upang ipakita ang creative designs ng iba't ibang damit, ginamit nila ang magandang tanawin ng kanilang paaralan.
Matapos gupitin ang outline ng bestida, inilagay ang mga design sa harap ng mga dahon at bulaklak para magmistulang floral print ng tela at saka kinunan ng larawan.
Sa mga litrato, ang mga bulaklak at dahon ay parang natural na dibuho sa mga kasuotan. Talagang pinagsama ang fashion design at likas na tanawin.
1 2