Isinapubliko ngayong araw, April 14, 2016, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Tsino ang The Human Rights Record of the United States in 2015, bilang tugon sa 2015 Country Reports on Human Rights Practices na inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika.
Anang nasabing ulat ng panig Tsino, pinuna lamang ng Amerika ang makataong kalagayan ng ibang mga bansa, pero pinabayaan ang sariling mga malubhang problema sa human right.
Inilista ng naturang ulat ang mga isyu ng human rights sa Amerika na gaya ng magulong pangangasiwa sa mga sandata, marahas na pagpapatupad ng mga pulis ng batas, paglala ng hidwaan sa pagitan ng mga lahi, kakulangan sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan, at paglapastangan sa human rights ng mga sibilyan ng ibang mga bansa.