Idinaos kamakailan sa Kunming, Tsina, ang ika-18 diyalogo ng Tsina at Estados Unidos hinggil sa karapatang pantao. Ipinahayag ng kapwa panig na matapat, malaliman, at komprehensibo ang naturang diyalogo, at makakabuti ito sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng dalawang panig.
Isinalaysay ng panig Tsino ang mga natamong bunga sa pagpapasulong ng demokratikong sistemang pambatas, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pang aspekto. Umaasa itong maayos na malulutas ng dalawang bansa ang pagkakaiba sa isyu ng karapatang pantao, para makapagbigay ng ambag sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Positibo naman ang panig Amerika sa mga natamong progreso ng Tsina sa pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan, pagpawi ng kahirapan, at iba pa.