|
||||||||
|
||
Beijing--Idinaos nitong Huwebes, Abril 14, 2016, ang Ika-4 na Taunang Pulong ng mga Punong Ministro ng Tsina at Australia. Pinanguluhan ito nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australia.
Sa kanyang unang biyahe sa Beijing, pinamunuan ni Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australia ang pinakamalaking trade mission sa Tsina. Kasabay nito, binuksan nitong Lunes ang Ikalawang Australia Week in China (AWIC) sa 12 siyudad ng Tsina. Mga 1,000 kompanya ang kalahok dito.
Tumayong-saksi ang dalawang punong ministro sa paglagda sa limang dokumentong pangkooperasyong may kinalaman sa turismo, siyensiya, parkeng industriyal, pagminina at iba pa.
Nakatakdang itayo ng Australia ang innovation base sa Shanghai, siyudad sa dakong silangang ng Tsina.
Nakahanda rin ang dalawang bansa na pasulungin ang kanilang kooperasyon sa e-commerce, agrikultura, edukasyon, pagpapatupad sa batas, depensa, bagong enerhiya, equipment manufacturing at iba pa. Ito'y sa pamamagitan ng sinkronisasyon ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng kani-kanilang bansa.
Nagkabisa ang China-Australia Free Trade Agreement (ChAFTA) noong Disyembre 20, 2015.
Chinese Premier Li Keqiang (kanan) at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull sa Ika-4 na Taunang Pulong ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa, April 14, 2016. (Xinhua/Rao Aimin)
Chinese Premier Li Keqiang (ikatlo, kaliwa) at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull (ikatlo, kanan) habang nangungulo sa Ika-4 na Taunang Pulong ng dalawang bansa, April 14, 2016. (Xinhua/Liu Weibing)
Seremonyang panalubong kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull (kanan) na inihandog ni Chinese Premier Li Keqiang (kaliwa) bago ang Ika-4 na Taunang Pulong ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa, April. (Xinhua/Liu Weibing)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |