Ang magkasanib na pagsasanay-militar ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Australia ay idinaos nitong Biyernes, unang araw ng Enero, 2016, sa South Pacific Ocean.
Lumahok sa kalahating-araw na ensayo ang frigate "HMAS Darwin" ng Australia, kasama ng destroyer "Jinan" at frigate "Yiyang" ng Tsina. Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ng ensayo ay komunikasyon at pagbabago ng mga formation.
Ayon sa Chinese commander na si Wang Jianxun, sa pamamagitan ng operasyong ito, nagbahaginan ang dalawang hukbong pandagat ng karanasan at napahigpit din ang pagtitiwalaan sa isa't isa.
Ang nasabing dalawang bapor na pandigma ng Tsina ay nagsasagawa ng bisitang pandaigdig, at ginawa nito ang nasabing ensayo nang dumaan ng Australia. Ang Australia ay ika-12 hinto ng kanilang biyahe. Lumisan sila ng Hawaii, ika-11 hinto, noong Disyembre, 17, 2015.
Tagapagsalin: Jade