Nanawagan kahapon, Abril 16, 2016, sa Washington D.C. si Zhou Xiaochuan, Gobernador ng Bangko Sentral ng Tsina, sa International Monetary Fund (IMF) na unti-unting palawakin ang paggamit ng Special Drawing Right (SDR) para pasulungin ang reporma sa pandaigdigang sistema ng pananalapi.
Sinabi ni Zhou na sa pagharap sa mga bagong hamon na dulot ng integrasyon, inobasyong pinansiyal, at kaligaligan ng capital flow, may nakatagong lakas ang SDR sa paglutas sa mga problema sa pandaigdigang sistema ng pananalapi.
Sinabi ni Zhou na pag-aaralan ng Tsina ang posibilidad ng pag-issue ng SDR-denominated bonds sa domestikong pamilihan.