Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), na noong nakaraang limang taon, ang Tsina ay pangunahing puwersa sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Aniya pa, kasunod ng pagtaas ng katayuan ng Tsina sa pandaigdigang kabuhayan., dapat pataasin din nito ang responsibilidad na pandaigdig.
Winika ito ni Lagarde sa China Development Forum. Sinabi niya na dapat patingkarin ng Tsina ang mas malaking responsibilidad ng pangangalaga sa katatagan ng pandaigdigang pinansiya at kabuhayan, at regulasyong pandaigdig hinggil dito.
Kaugnay ng isinasagawang reporma ng Tsina, ipinalalagay ni Lagarde na ang Tsina ay dapat mayroong matatag na determinasyon, maliwanag na roadmap, at malaking responsibilidad na pandaigdig. Naniniwala aniya siyang mainam na haharapin ng Tsina ang mga hamon sa pag-unlad.
Ipinangako rin niya na ibayo pang pasusulungin ang kooperasyon ng IMF at Tsina para makinabang dito ang dalawang panig.