|
||||||||
|
||
Ipinatalastas noong linggo, Abril 17, 2016, ni Rafael Correa Delgado, Pangulo ng Ecuador sa kanyang twitter account na 233 katao ang nasawi sa lindol na may lakas sa 7.8 Richter Scale sa kanyang bansa.
Samantala, dumating na si Jorge Glas, Pangalawang Pangulo ng Ecuador sa apektadong lugar para magbigay ng patnubay sa mga relief work. Ipinatalastas niyang ayon sa atas ng pangulo, papasok ang Ecuador sa 2-buwang state of emergency.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinadala na ng pamahalaan ang 10 libong sundalo, 4,600 polis at firemen sa mga pinakagrabeng apektadong lugar. Itinayo na rin ang dalawang mobile surgical hospital sa mga lugar ng kalamidad.
Ang lindol na may lakas sa 7.8 Richter Scale na naganap noong ika-16 ng buwang ito ang pinakamalakas na naranasan ng bansang ito, sapul noong 1978.
Bukod sa Ecuador, naganap din kamakailan ang mga lindol sa iba pang mga lugar ng daigdig na gaya ng Afghanistan, Hapon, Pilipinas, at Myanmar.
Ang Ecuador ay matatagpuan sa Circum-Pacific Seismic Belt o Pacific Ring of Fire, kung saan mas madalas maganap ang lindol. Ang Pilipinas din ay nasa Circum-Pacific Seismic Belt.
Noong ika-13 ng buwang ito, naganap ang lindol na may 5.9 Richter Scale sa Zambonga na ikinasugat ng 3 katao.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |