Tungkol sa napakalakas na lindol na naganap kahapon sa rehiyong Hindu Kush Mountains ng Afghanistan, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng TYsina na ayon sa kalagayan ng kalamidad at kahilingan ng Afghanistan at Pakistan, magkakaloob ang Pamahalaang Tsino ng tulong sa naturang dalawang bansa.
Ani Lu, nagpahayag ang panig Tsino ng lubos na pakikidalamhati sa mga biktima sa lindol, at ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng biktima, at nasugatan.
Salin: Li Feng