|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na inilabas April 18, 2016, di-kukulangin sa 42 katao ang nasawi at iba pang 9 ang nawawala sa lindol na may lakas sa 7.3 Richter Scale sa Kumamoto Prefecture ng Hapon. Ang nasabing pagyanig ay naganap nang araw ring iyon sa rehiyong Kitakyushu sa dakong Timog ng Hapon; samantala, mahigit 2000 ang nasugatan.
Dahil sa epekto ng lindol, isinara ang Kumamoto Airport, kinansela ng mga aviation company ang lahat ng mga filght at itinigil ang takbo ng mga high speed railway sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, hindi pa nanunumbalik ang komunikasyon, suplay ng tubig, koryente at natural gas sa nilindol na lugar.
Sa playground ng Kokufu High School ng Kumamoto, nagpapadala ng mensahe ng SOS ang mga sibilyan sa pamamagitan ng paglalagay ng mesa at silya, kailangang kailangan nila ang toilet paper, tinapayat tubig.
Grabeng nasira ang gusaling munisipal ng Kumamoto.
Gumuho ang world cultural heritage na Aso Shrine na may mahigit 2000 taong kasaysayan
Parteng nasira ang kumamoto castle sa lindol
Sa isang lugar sa paligid ng welfare center, sinulat ang bigas, tubig, Pickled foods at HELP.
Naganap ang landslide sa katimugan ng Kumamoto dahil sa lindol
Naganap ang ground collapse sa isang parking area sa katimugan ng Kumamoto dahil sa lindol
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |