Ayon sa datos na inilabas April 16, 2016, di-kukulangin sa 32 katao ang nasawi sa lindol na may lakas sa 7.3 Richter Scale sa bansang Hapon. Ang nasabing pagyanig ay naganap nang araw ring iyon sa rehiyong Kitakyushu sa dakong Timog ng Hapon; samantala, mahigit 2000 ang nasugatan.
Dahil sa epekto ng lindol, isinara ang Kumamoto Airport, kinansela ng mga aviation company ang lahat ng mga filght at itinigil ang takbo ng mga high speed railway sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, hindi pa nanunumbalik ang komunikasyon, suplay ng tubig, koryente at natural gas sa nilindol na lugar.
Ipinahayag ng pamahalaang Hapones na noong ika-16 ng Abril, naipadala nito ang 15 libong kawal papunta sa nilindol na purok para sa gawaing panaklolo, at binabalak nitong magpadala muli ng 25 libong kawal mula ika-17 ng Abril.
Ayon sa pahayag ng Embahadang Tsino sa Fukuoka, nailigtas na ang 20 turistang Tsino sa nilindol na purok at walang naiulat na kasuwalti mula sa mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, pansamantalang itinigil ng mga travel agency ng Tsina ang serbisyo ng paglalakbay sa Kitakyushu at sinimulan ang mga plano ng pagsasauli ng mga bayarin sa mga ticket at hotel.