Lunes, ika-18 ng Abril 2016, ipinahayag ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ikinababahala ng panig Tsino ang pagyanig na may lakas na 7.8 Richter Scale sa Ecuador, at malubhang kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian na dulot nito. Aniya, magkakaloob ang Tsina ng kinakailangang tulong sa pamahalaan at mga mamamayan ng Ecuador, batay sa kanilang pangangailangan.
Linggo ng gabi, ika-17 ng Abril 2016, ipinatalastas ni Pangulong Rafael Correa Delgado ng Ecuador na tumaas na sa 272 katao ang bilang ng mga nasawi sa lindol sa baybaying dagat ng dakong hilagang-silangan ng bansa. Sa kasalukuyan, sumusulong na ang gawain ng paghahanap at pagliligtas.
Salin: Vera