Idinaos sa Beijing, sa kauna-unahang pagkakataon ang "Space Day ng Tsina" noong Linggo, Abril 24, 2016.
Ang "Dong Fang Hong No.1," kauna-unahang man-made satellite ng Tsina ay inilunsad, noong Abril 24, 1970. Sa pamamagitan nito, ang Tsina ang naging ika-5 bansa sa daigdig, na nakapaglunsad ng satellite sa pamamagitan ng carrier rocket, na sariling subok-yari.
Nagpadala naman ng mensaheng pambati ang mga organong pangkalawakan mula sa 37 bansa't organisasyong pandaigdig sa nasabing aktibidad. Umaasa silang mapapahigpit ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangang pangkalawakan.