Ayon sa ulat kahapon, Martes, ika-26 ng Abril 2016, ng Yunnan Airport Group Co. Ltd. ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, mayroon itong planong sa susunod na taon, bubuksan ang mas maraming flight sa mga bansang Timog-silangang Asyano, para maging konektado ang lahat ng mga bansang ASEAN sa mga paliparan ng lalawigang ito.
Sa kasalukuyan, ang Yunnan ay may mga flight sa 22 lunsod ng 8 bansang ASEAN. Ito ay isa sa mga lalawigan ng Tsina na may pinakamaraming flight sa ASEAN.
Salin: Liu Kai