|
||||||||
|
||
Singapore—Ipininid nitong Huwebes, Abril 28, 2016, ang Ika-22 Senior Officials' Consultation ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Isa sa mga layunin ng pulong ay paghahanda para sa summit bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng dalawang panig sa taong ito.
Sa preskon pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang di-nagbabagong suporta ng kanyang bansa sa konstruksyon ng ASEAN Community at ASEAN integration.
Ipinahayag naman ni Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, na ito ang unang pulong ng Tsina at ASEAN na inorganisa ng kanyang bansa bilang coordinator. Idinagdag pa niyang napapanahong balik-tanawin ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa okasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang masasamantala ng dalawang panig ang okasyong ito para magtalakayan kung paano palalalimin ang estratehikong partnership at mabisang ipapatupad ang ASEAN-China Plans of Action for 2016 and 2020.
Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin (kanan) at Permanent Secretary for Foreign Affairs of Singapore Chee Wee Kiong (kaliwa) sa 22nd China-ASEAN Senior Officials' Consultation press conference. Ang Singapore ay bansang tagapagkoordina ng Tsina at ASEAN. (Xinhua/Then Chih Wey)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |