Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ASEAN may mithiin at kakayahang pangalagaan ang katatagan ng South China Sea: opisyal Tsino

(GMT+08:00) 2016-04-29 09:10:46       CRI
Singapore—Ipininid nitong Huwebes, Abril 28, 2016, ang Ika-22 Senior Officials' Consultation ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa preskon pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na mas marami ang komong interes kaysa sa pagkakaiba sa pagitan ng Tsina at ASEAN pagdating sa pagtutulungang panrehiyon at isyu ng South China Sea. Naniniwala aniya siyang may mithiin at kakayahan ang dalawang panig para pangalagaan ang katatagan ng South China Sea.

Sa panahon ng katatapos na pulong, idinaos din ng Tsina at iba't ibang kasaping bansa ng ASEAN ang ika-11 back-to-back consultation hinggil sa pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Kaugnay nito, ipinahayag ni Liu na nitong 14 taong nakalipas, sapul nang lagdaan ang DOC, walang humpay na ipinatutupad ng magkabilang panig ang dokumentong ito. Aniya pa, inulit ng mga kalahok ang kahalagahan ng DOC bilang saligang kasunduan sa magkasamang pangangalaga sa katatagan ng South China Sea. Bilang ibayo pang pagpapatupad ng DOC, tinalakay rin aniya ng mga kalahok ang pagbalangkas ng Code of Conduct (COC) hinggil dito.

Iminungkahi rin aniya ng Tsina na sa gaganaping Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN sa darating na Hulyo, ilalabas ng magkabilang panig ang magkasanib na pahayag para komprehensibong tumalima sa DOC.

Ang katatapos na taunang konsultasyon ng mga mataas na opisyal na panlabas ng Tsina at ASEAN ay nagsilbi ring paghahanda para sa summit bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng dalawang panig sa taong ito.

Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin (kanan) at Permanent Secretary for Foreign Affairs of Singapore Chee Wee Kiong (kaliwa) sa 22nd China-ASEAN Senior Officials' Consultation press conference. Ang Singapore ay bansang tagapagkoordina ng Tsina at ASEAN. (Xinhua/Then Chih Wey)

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>