|
||||||||
|
||
Sa larangang pulitkal, dapat sundin ng Hapon ang 4 na dokumentong pulitikal na narating ng dalawang bansa para tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan at ipatupad ang patakarang "Isang Tsina."
Sa atityud ng pakikitungo sa Tsina, dapat aktuwal na isakatuparan ng Hapon ang mga narating na komong palagay na nagsasabing ang Tsina at Hapon ay kooperatibong partner at hindi banta sa isa't isa.
Sa larangang pangkabuhayan, dapat aktuwal na itatag ng Hapon ang ideyang kooperatibo at may win-win situation para aktuwal na pasulungin, ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, dapat itakwil ng Hapon ang paninindigan ng komprontasyon para buong sikap na pangalagaan, kasama ng Tsina, ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng Asya.
Winika ang mga ito ni Wang sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing kay Kishida Fumio, Ministrong Panlabas ng Hapon.
Sinabi ni Wang na umaasa siyang ipapakita ng Hapon ang katapatan sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa para pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon.
Sinabi naman ni Fumio na nakahanda ang kanyang bansa na tanggapin ang naturang mga mungkahi para patatagin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |