Ipinahayag nitong Martes, Apirl 26, 2016, sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinansin ng panig Tsino ang positibong impormasyon ng talumpati ni Kisida Fumio, Ministrong Panlabas ng Hapon. Umaasa aniya siyang magkatulad ang mga pananalita at aksyon ng Hapon para aktuwal na pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa.
Nagtalumpati nitong Lunes si Kisida Fumio hinggil sa relasyong Sino-Hapones. Bukod sa mga positibong pahayag hinggil sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, binanggit din niya ang mga isyu na gaya ng pag-unlad ng sandatahang lakas ng Tsina, at mga aksyong pandagat nito.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Hua na ikinalulungkot din ng panig Tsino na nagsasalita pa rin ang Hapon ng kung anu-ano hinggil sa mga isyung may kinalaman sa panig Tsino.
Ipinahayag ni Hua na iginigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad, at depensibong patakaran ng tanggulang-bansa.
Bukod dito, sinabi ni Hua na legal ang mga aksyon ng panig Tsino sa East China Sea at South China Sea. Dagdag pa niya, dapat iwasto ng Hapon ang atityud at paninindigan sa isyu ng South China Sea para itigil ang barumbadong papuna sa Tsina at mga aksyon na di-makakabuti sa katatagan ng rehiyong ito.