Ipinahayag nitong Biyernes, April 29, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi kinilala ng panig Tsino ang mga paninindigan ng Hapon na isla ang Okinotorishima reef at mayroon itong Exclusive Economic Zone (EEZ) at continental shelf.
Sinabi ni Hua na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Okinotorishima reef ay hindi puwedeng tirahan ng mga tao at hindi sapat para isagawa ang hana-buhay, kaya hindi ito isla na puwedeng tawaging EEZ at continental shelf.
Noong April ng taong 2012, inilabas ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf ang pahayag na hindi kinilala nito ang kahilingan ng Hapon na ituring na continental shelf ang Okinotorishima reef.