Ipinahayag kamakailan ni Franky Sibarani, Tagapangulo ng Investment Coordinating Board ng Indonesya, na isasagawa ng kanyang konseho ang mga hakbangin, gaya ng karagdagang serbisyo, para hikayatin ang mas maraming pamumuhunan mula sa Tsina.
Samantala, pagpasok ng taong ito, isinagawa ng naturang konseho ng Indonesya ang promosyong pangkomersyo sa apat na lunsod ng Tsina na kinabibilangan ng Shanghai, Beijing, Hangzhou, at Dongguan. Magsasagawa rin ito ng promosyon sa mas maraming lugar ng Tsina na gaya ng Ji'nan at Shenyang.
Ayon naman sa estadistika, noong unang kuwarter ng taong ito, namuhunan ng 490 milyong Dolyares ang Tsina sa Indonesya, at ang halagang ito ay mas malaki ng 400% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Liu Kai