Nakipagtagpo kahapon, Huwebes, ika-21 ng Enero 2016 sa Jakarta si Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, kay Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina na kalahok sa seremonya ng pagsisimula ng proyekto ng Jakarta-Bandung High-speed Railway.
Tinawag ni Wang ang naturang proyekto na mahalagang "early harvest" ng pagsasama ng Tsina at Indonesya ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran. Dapat aniya buong husay na isagawa ang proyektong ito, at samantalahin ito bilang pagkakataon para sa pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Ayon naman kay Widodo, ang pagsasagawa ng Indonesya at Tsina ng kooperasyon sa pagtatayo ng naturang daambakal ay komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa. Ikinagagalak aniya niya ang pagsisimula ng proyektong ito. Umaasa rin siyang isasagawa ng dalawang bansa ang mas maraming proyektong pangkooperasyon sa imprastruktura at iba pang industriya.
Salin: Liu Kai