Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Militar at pulisya, may koordinasyon sa kanilang misyon

(GMT+08:00) 2016-05-03 11:02:06       CRI

IPINALIWANAG ni Brig. General Restituto Padilla na may sapat na tauhan ang Armed Forces of the Philippines at maging ang Philippine National Police upang hadlangan ang mga naglalayong manggulo sa darating na eleksyon.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni General Padilla na may mga tauhan silang nagmamatyag sa mga barangay na dinaraanan ng mga nagpapabagsak ng power lines.

May mga tauhan din silang nasa operasyon lahat sa mga nais manggulo sa halalan.

Sa isyu ng Abu Sayyaf, walang humpay ang operasyon ng pamahalaan.

Sa panig ng Philipine National Police, higit na sa 3,000 katao ang nadakip dahilan sa mga paglabag sa batas sa gun ban.

Kinilala na ng pambansang pulisya ang siyam na magugulong lalawigan sa bawat halalang nagaganap sa bansa. Binanggit ni Police Chief Inspector Bryan Gregorio na ang mga lalawigang kanilang minamatyagan at pinadalhan na ng mga tauhan ay ang Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao, Lanao del Sur, Abra, Nueva Ecija at Lanao del Norte

Ang mga dahilan kaya't deklarado ang mga ito bilang election watch list areas ay ang kasaysayan ng mainit na pagtutunggali sa larangan ng politika, mga nakalipas na insidenteng nag-uugat sa politika at sa halalan, pagkakaroon ng mga grupong kalaban ng pamahalaan tulad ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at private armed groups na hawak ng mga politiko. Kinikilala rin ang isang pook na watch list sa paglaganap ng mga sandata sa bayan o lungsod.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>