|
||||||||
|
||
Nag-usap nitong Martes, Mayo 3, 2016, sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Boungnang Vorachith mula sa Laos.
Sinabi ni Xi na dapat pangalagaan ng dalawang bansa ang mainam na kalagayan ng bilateral na relasyon at komprehensibong palawakin ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sinabi naman ni Boungnang Vorachith na ang kanyang pagdalaw sa Tsina ay naglalayong ipagpatuloy ang mapagkaibigang pagpapalagayan ng dalawang bansa at palalimin ang pagtitiwalaan.
Kaugnay ng pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa, sinabi ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pagtitiwalaang pulitikal, at mga pagpapalitan at koopearsyon sa partido, pulitika, kabuhayan, seguridad at mga isyung pandaigdig.
Sumang-ayon si Boungnang Vorachith sa mga mungkahi ni Xi hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang panig. Sinabi niyang nakahanda ang Laos na komprehensibong pasulungin, kasama ng Tsina, ang relasyon ng dalawang panig.
Bukod dito, ipinahayag ni Xi na kinakatigan ng panig Tsino ang proseso ng integrasyon ng ASEAN at mga gawain ng Laos bilang tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |