Ipinagkaloob kahapon, Lunes, ika-2 ng Mayo 2016, ng Embahada ng Tsina sa Laos, ang isang ambulansya sa National University of Laos. Lumahok sa seremonya ng pagkakaloob sina Guan Huabin, Embahador ng Tsina sa Laos; at Soukkongseng Saignaleuth, Presidente ng naturang pamantasan.
Ipinahayag ni Guan ang pag-asang ang pagkakaloob ng ambulansya sa National University of Laos ay makakatulong sa mas magandang serbisyong medikal ng pamantasang ito sa mga guro at estudyante.
Sinabi naman ni Saignaleuth, na sa pamamagitan ng donasyong ito, tapos na ang kasaysayan ng kakulangan sa ambulansya sa kanyang pamantasan.
Salin: Liu Kai