Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Konseho ng Laos sa Kooperasyong Sino-Lao, hanggang sa kasalukuyan, namumuhunan ang Tsina sa 760 proyekto sa Laos, at ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ay lumampas sa 6.7 bilyong Dolyares. Anito, ang Tsina ay bansang may pinakamalaking pamumuhunan sa Laos.
Ayon pa rin sa nasabing konseho, sumasaklaw sa iba't ibang larangan ang pamumuhunan ng Tsina sa Laos. Kabilang dito, ang enerhiya, pagmimina, agrikultura, at serbisyo ay mga pangunahing aspektong pinupuntahan ng pamumuhunang Tsino.
Salin: Liu Kai