|
||||||||
|
||
Naglakbay-suri nitong Miyerkules, Mayo 4, 2016, si Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei sa idinaraos na ASEAN Defence Ministers' Meeting Plus (ADMM-Plus) Maritime Security and Counter Terrorism Exercise.
Pinakinggan niya ang ulat hinggil sa nasabing pagsasanay at binisita ang Maritime Security Task Force headquarters at Exercise Control centre sa Multinational Coordination Centre (MNCC).
Bukod dito, naglulan siya sa helicopter para isagawa ang aerial view sa lahat ng mga bapor na pandigma ng mga kahalok na bansa.
Ang nasabing pagsasanay, na tatagal hanggang ika-12 ng buwang ito, ay nilalahukan ng 10 bansang ASEAN at 8 dialogue partner nito na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Amerika, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand at India.
Ipinahayag ni Mohd Tawih, Commander ng Royal Brunei Armed Forces, na ang nasabing pagsasanay ay nagkakaloob ng bukas at transparent na plataporma ng pagpapalitan sa pagitan ng mga kalahok na bansa para mapahupa ang maigting na kalagayan sa rehiyong ito, palalimin ang pagtitiwalaan sa pagitan ng mga kalahok na bansa at kanilang mga kooperasyon.
Ang nilalaman ng nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng paghahanap ng mga target na bapor, pagmomonitor sa mga pinaghihinalaang target, pagbabahaginan ng impormasyon, gawaing panaklolo sa dagat, pag-aalerto sa dagat at magkasanib na aksyong paglaban sa terorismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |