Bilang pagdiriwang sa Mother's Day, idinaos sa Zhangjiajie, isang kilalang lugar panturista sa Lalawigang Hunan, Tsina, ang "Crayfish Festival." Mahigit 100 katao ang nanood sa pagtatanghal ni Chef Tang Chenggang, habang niluto ng mga maanghang na crayfish sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. Ginawa niya ito sa isang malaking kawali na may mahigit 2 metrong diametro.
Mainit ang kawali, maanghang ang mga crayfish, pero, walang anumang sakit sa mga kamay ng chef, at ito ay unique skill ni Tang.
Ang ika-8 ng Mayo ay "Mother's Day." Makukulay na aktibidad ang idinaos sa iba't ibang lugar ng Tsina bilang pagdiriwang sa araw na ito, at ito rin ang tema ng nasabing "Crayfish Festival." Inihandog nang libre ang mga crayfish sa mga nanay.
salin:wle