|
||||||||
|
||
PINASALAMATAN ni Police Director General Ricardo C. Marquez ang kanyang mga tauhan sa maayos na pamamalakad sa katatapos na halalan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni General Marquez na naging payapa ang pagdaraos ng halalan at nagpahayag ng kanyang pag-asang makatutulong ang kapayapaang ito sa pagtatapos ng buong proseso ng halalan.
Pinasalamatan din niya ang mga kasama sa paglilingkod mula sa Armed Forces of the Philippines sa pagkakaroon ng mga mumunting bilang ng mga insidente mula 12:01 ng umaga hanggang alas onse singkuwenta y nueve ng gabi kagabi.
Nanawagan siya sa kanyang mga tauhang nakatalaga sa iba't ibang larangan at nagsabing ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan.
Ipapatupad pa rin ang ibayong seguridad hanggang sa pagtatapos ng election period sa darating na ika-walo ng Hunyo.
Nanawagan din siya sa mga mamamayan na igalang ang mga kautusan ng Commission on Elections at makiisa sa iba't ibang programang pagseguridad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |