Pagkaraan ng pagsasanay sa Brunei, isinasagawa ngayon sa Singapore ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Defense Ministers Meeting-Plus (ADMM Plus) Maritime Security and Counter Terrorism Exercise. Kalahok sa pagsasanay ang 10 bansang ASEAN, at 8 dialogue partner nila na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Amerika, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at India.
Pagkaraang panoorin ang pagsasanay, sinabi nitong Lunes May 9, 2016 ni Ng Eng Hen, Kalihim ng Tanggulan ng Singapore, na ang nasabing pagsasanay ay nagpadala ng mahalagang signal na pinahahalagahan ng mga kalahok na bansa ang kaligtasang pandagat at pagharap sa terorismo, at ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ay komong responsibilidad ng nasabing mga bansa.
Nakatakdang idaos ang nasabing magkasanib na pagsasanay sa Brunei, Singapore, at rehiyong pandagat sa gitna ng dalawang bansa, at matatapos ito sa May 12, 2016.
Salin: Andrea