|
||||||||
|
||
KAILANGANG magpakita ng ebidensya si Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na may hiwagang nagaganap sa pagbibilang ng boto sa pagka-pangalawang pangulo.
Unang hiniling ni Senador Marcos na itigil ang pagbibilang na ginagawa ng Commission on Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.
Sa isang panayam, sinabi ni Commissioner Rowena Guanzon na samantalang pinapayagan ang kahilingan ni Senador Marcos sa ilalim ng Republic Act 8436 o Automated Election Law, wala siyang nakikitang anumang dahilan upang suspendihin ang unofficial tally hanggang sa hindi nakakapagpakita ng anumang prueba ng bad faith at inaccuracy.
Idinagdag pa ni Commissioner Guanzon na hanggang kanina ay wala siyang nakikitang dahilan upang suspendihin ang pagbibilang. Kung may ebidensya ang abogado ni Senador Marcos hinggil sa inaccuracy o bad faith, maaari silang pagmetisyon sa Commission on Elections en banc.
Ang dahilan ng unofficial count ay upang isulong ang transparency sa botohan.
Kailangang makita ng madla kung ano ang kalagayan ng botohan at kung itatago ang mga mahahalagang detalyes, maaaring may mga magduda at sabihing may salamanca o magic sa proseso.
Obligasyon din ng mga samahang tulad ng PPCRV na magsabi sa madla sa uri ng halalang naganap. May karapatan din ang mga samahan tulad ng NAMFREL na magbalita sa madla sa tunay na kalagayan ng halalan.
Ayon kay Chairman Andres Bautista, wala pang natatangap na pormal na reklamo ang Comelec en banc mula sa kampo ni Senador Marcos.
Sa ngayon ay nakalalamang lamang si Congresswoman Leni Robredo ng may 200 libong boto kay Senador Marcos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |