SA pagtaas ng kanyang rating sa pinakahuling pagsusuri at pag-aaral ng Social Weather Stations, naniniwala si Liberal party standard bearer Mar Roxas na naniniwala siyang sila ang pipiliin ng mga mamamayan.
Sa isang panayam sa Pangasinan, sinabi ni G. Roxas na batid ng mga mamamayan kung sino ang mga may nagawa at alam nila kung ano ang nangyari sa nakalipas na limang taon.
Ito ang kanyang pahayag matapos lumabas ang pinakahuling survey ng SWS. Kahit pangatlo siya sa survey, nagtamo si G. Roxas ng apat na puntos mula sa 18 hanggang 22%.
Nangunguna pa rin si Senador Grace Poe na mayroong 27% points at sinusundan ni Vice President Jejomar Binay na bumaba ang rating mula sa 29% noong Disyembre ay nagtamo na lamang ngayon ng 24%.
Naungusan na ni G. Roxas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na bumaba rin ang ratings ng apat na percentage points. Pang-apat si Duterte sa pagkakaroon ng 21% samantalang nanatili sa pinakahuling puwesto si Senador Miriam Defensor Santiago na mayroong 4%.