Idinaos nitong Huwebes, Mayo 12, 2016 sa Washington D.C ang Ika-8 Negosasyon ng Tsina at Amerika hinggil sa Estratehikong Seguridad at Multilateral na Pagkontrol sa Armas.
Magkasamang pinanguluhan ang nasabing pagtitipon nina Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at Rose Eilene Gottemoeller, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, na gaya ng situwasyong panseguridad ng daigdig, pangangasiwa sa larangang nuklear ng buong mundo, seguridad ng outer space, di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear, at iba pa.
Ipinahayag din ng dalawang panig ang pag-asang mapapasulong ang mekanismo ng nasabing regular na diyalogo, batay sa prinsipyo ng paggagalangan at win-win cooperation. Ito anila'y para ibayong pahigpitin ang pagpapalitan, palalimin ang pragmatikong pagtutulungan, palakasin ang estratehikong pagtitiwalaan, at pasulungin ang matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano.