Ika-15 ng Mayo, 2016, Jakarta, Indonesia. Ipininid ang Indonesian Finals ng Chinese Bridge Contest. Ang Chinese Bridge ay isang pandaigdig na kontest ng Wikang Tsino para sa mga dayuhan na itinaguyod ng Hanban, Punong Hinpilan ng Confucius Institute ng Tsina. Animnaput anim (66) na kalahok mula sa 26 na lalawigan ng Indonesya ang nakapasok sa finals.
Ang tema ng kontest sa taong ito ay "pangarap para sa maliwanag na hinaharap." Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang talento at kahusayan sa Wikang Tsino sa pamamagitan ng pagkanta, paglabas sa opera, pagtatanghal ng Kungfu, pagbabasa nang malakas, tanong at sagot at iba pa.
Sinabi ni Arifin Zain, Tagapangulo ng Organisasyon ng Koordinasyon ng Edukasyon ng Wikang Tsino sa Jakarta, Indonesya, na kumpara noong ilang taong nakalipas, ang pinakamalaking katangian ng kontest sa taong ito ay paglaki ng bilang ng mga kalahok mula sa iba pang ethnic group ng Indonesia, sa halip na mga Chinese-Indonesian. Pero, walang maliwanag na pagtaas ang kalinangan ng mga kalahok sa wikang Tsino, dahil sa kakulangan ng mga guro sa wikang Tsino sa Indonesya.
salin:wle