Idinaos kahapon sa lunsod ng Xiamen, lalawigang Fujian, dakong timog ng Tsina ang Seremonya ng Pagtatapos ng Ika-10 Pagsasanay sa mga Opisyal Dayuhan sa Wikang Tsino. Isang daang (100) opisyal mula sa Pilipinas, Thailand at Indonesia ang ginawaran ng certificate of graduation.
Kabilang dito, lima ang galing sa Pilipinas; 82 ang galing sa Thailand; at 13 ang mula naman sa Indonesia. Pagkaraan ng isang taong pag-aaral, natamo nila ang basic language skills sa wikang Tsino at nalaman din ang hinggil sa kasaysayan at kultura ng Tsina.
Sapul noong 2005 kung kailan idinaos ang unang katulad na pagsasanay sa wikang Tsino, humigit-kumulang 500 opisyal mula sa nasabing tatlong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nagtapos sa mga kurso.
Ang Huaqiao University ay nakabase sa Xiamen at Quanzhou, dalawang lunsod sa Fujian, isa sa mga lalawigang may pinakamaraming imigranteng Tsino sa ibayong dagat, lalong lalo na sa Timog-silangang Asya.
Salin: Jade