NANINIWALA si Prof. Arao ng UP College of Masscom na igagalang ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang itinadtahana ng batas matapos lumabas ang diumano'y pahayag ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo na ibabalik niya ang parusang kamatayan at gagamit ng shoot-to-kill upang masugpo ang kriminalidad.
MGA SANDATANG NASAMSAM, SUSURIIN PA. Sinabi ni Chief Inspector Jonathan del Rosario (dulong kaliwa) na inaalam na ng Crime Laboratory kung ang mga sandatang nasamsam ay nagamit sa krimen. Na sa larawan din si UP Prof. Danilo Arao at dating CBCP president Oscar V. Cruz (dulong kanan). (Melo M. Acuna)
Sa panig ni Police Chief Inspector Jonathan Del Rosario ng PNP Public Information Office, tanging kautusang legal ang kanilang susundin sapagkat pinahahalagahan nila ang due process.
Samantala, nanawagan naman si dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar V. Cruz sa susunod na pamahalaan na madaliin ang paglilitis ng mga akusado sa naganap na Maguindanao massacre na hanggang ngayo'y walang kalutasan. Magugunitang may 58 katao ang napaslang sa insidente na kinabilangan ng higit sa 35 mamamahayag.